LawAccess Online
Home | Lawzone | About us | Contact us | Our Partners | About this site | Feedback
Call LawAccess at 1300 888 529 LawAccess Online  - A LawAccess NSW Initiative
 
 

Kailangan ninyo ba ng tulong na panglegal? (Need Legal Help? - Filipino

Filipino

Kailangan ninyo ba ng tulong na panglegal? PDF Format
View this Factsheet in English PDF Format

Kailangan ninyo ba ng tulong na panglegal? - Audio

Kailangan ninyo ba ng tulong na panglegal?

Ang LawAccess NSW ay isang libreng serbisyo sa telepono ng gobyerno na nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa batas, payo at paglilipat sa ibang serbisyo para sa mga may problema sa batas sa NSW.

Paano kami makakatulong sa inyo?
Kung kayo ay dadalo sa korte, may problema sa batas o may isang katanungan tungkol sa batas, matutulungan namin kayong kumuha ng tulong na kailangan ninyo.

Mayroon kaming mga Pinuno sa Serbisyong Pangkliyente na maaaring:
- Magbigay sa inyo ng impormasyon sa batas upang tulungan kayo sa inyong problema sa batas.
- Magsasaayos ang isa sa aming mga Pinunong Panglegal upang magbigay sa inyo ng payo sa batas sa pamamagitan ng telepono kung matutugunan ninyo ang aming mga patakaran sa pagkuha ng payo sa batas.
- Maglipat sa inyo sa ibang serbisyo sa batas o kaugnay nito na lalong makakatulong sa inyo.
- Magpadala sa inyo ng impormasyon na maaaring makatulong sa inyong problema sa batas.

Ang LawAccess NSW ay binuo upang tulungan ang mga taong nahihirapang makakuha ng libreng serbisyo sa batas. Tumutulong kami lalo na sa mga kliyente:
- sa mga rehiyonal at rural ng NSW
- na mga Katutubo at Taga-Pulo ng Torres Strait
- na may kapansanan
- na nagmula sa iba’t ibang kultura at wika
- na nanganganib na masaktan

 

Kinikilala namin na may mga taong nahihirapang makakuha ng nararapat na serbisyo sa batas sanhi ng maraming kadahilanan. Ang aming mga Pinuno ng Serbisyong Pangkliyente ay sinanay upang makakuha kayo ng tulong na inyong kailangan.

Sa anong uri ng mga problema sa batas maaari kaming makatulong sa inyo?
Maaari naming tulungan kayo sa ilang mga problema sa batas, kasama ang:
- Mga Batas tungkol sa Utang at Kredito
- Batas sa Pamilya at mga Relasyong Nagsasama (de-facto)
- Alitan ng magkakapitbahay
- Mga Testamento at Ari-arian
- Paglabag sa Trapiko
- Batas sa Pagtatrabaho
- Batas Kriminal
- Mga Kautusan sa Pagdakip sa Karahasan (Apprehended Violence Orders - AVOs)
- Batas Konsyumer
- Mga Aksidente sa Sasakyan
- Mga Reklamo laban sa mga Abogado

Paano ninyo kami makakausap?
Telepono
Maaari ninyo kaming tawagan sa 1300 888 529 sa pagitan ng 9n.u at 5n.h., Lunes hanggang Biyernes (hindi kasama ang mga araw na walang pasok sa trabaho).

Kung mayroon kayong kapansanan sa pandinig at pagsasalita, maaari ninyo kaming tawagan  sa 1300 889 529 sa pagitan ng 9n.u at 5n.h., Lunes hanggang Biyernes (hindi kasama ang mga araw na walang pasok sa trabaho).

 

Serbisyo sa Pagsasalin at Pagpapaliwanag (TIS)
INTERPRETER SYMBOL Maaari ninyo kaming kausapin sa pamamagitan ng Serbisyo sa Pagsasalin at Pagpapaliwanag (TIS) sa 131 450. Ang TIS ay siyang maghahanda ng isang tagapagpaliwanag sa inyong wika na tutulong sa inyong pakikipag-usap sa amin. Ang TIS ay libre at serbisyong kumpidensiyal.

Ang LawAccess Online
Ang aming website na www.lawaccess.nsw.gov.au ay isang magaling na pasimula sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa inyong problema sa batas o katanungan tungkol sa batas.

Sa paggamit ng aming website magkakaroon kayo ng pagkakataon na makuha ang:
- Higit sa 2000 na madaling-hanaping mga babasahin sa batas tulad ng mga polyetong pang-impormasyon, mga porma at mga lathalain.
- Madaling maghanap ng impormasyon sa batas sa ilalim ng ilang karaniwang bahagi ng batas tulad ng Utang, Batas Pampamilya at mga Kapitbahay.
- Mga babasahin at lathalain sa batas mula sa mga hanay ng serbisyo sa batas ng gobyerno at ng hindi-gobyerno tulad ng Legal Aid NSW, Community Legal Centres at mga Lokal o Pampamilyang Korte.

Ang aming website ay madaling hanapin at makukuha sa anumang oras.

 

Serbisyo sa Paglilipat ng Abogado
Kailangan ninyong kumuha ng isang Pribadong Abogado?
Kung kailangan ninyo ng tulong ng isang pribadong abogado, maaari kaming makipag-usap sa Law Society of NSW upang kumuha ng pangalan ng tatlong pribadong abogado sa alinmang pook o lugar na sakop ng batas at ipadadala sa inyo sa pamamagitan ng koreo, paks o email.

Maaari ba akong kumuha ng Payo sa Batas mula sa LawAccess NSW?
Kami ay may mga Pinunong Panglegal na maaaring magbigay sa inyo ng payo sa batas sa pamamagitan ng telepono. Ngunit hindi namin mabibigyan ng payo sa batas ang lahat. Ang lahat ng pagtatanong sa batas ay kailangang makatugon sa aming pamantayan sa pagkuha ng payo sa batas at kailangang naaangkop na pag-usapan sa pamamagitan ng telepono.

Maaari ba akong kumuha ng Legal Aid (Tulong Sa Batas)?
Ang pagkuha ng Legal Aid  ay depende sa uri ng inyong problema sa batas at sa inyong kita. Kung hindi kayo nakatitiyak na makakakuha ng Legal Aid, ang aming mga Pinuno sa Serbisyong Pangkliyente ay maaaring makatulong sa inyo upang malaman kung may makukuha kayong Legal Aid at makatutulong sa inyong pagpuno ng porma sa aplikasyon sa Legal Aid.

Bakit kami nagmumungkahi ng ibang mga Serbisyo?
Matapos na mapakinggan ang inyong problema sa batas, maaaring makita ng aming mga Pinuno sa Serbisyong Pangkliyente na makabubuting kayo ay tulungan ng isang espesyalistang serbisyo. Kung minsan, ang inyong problema sa batas ay mas nararapat na hawakan sa pamamagitan ng pakikipag-usap nang harapan. Titiyakin ng aming mga Pinuno sa Serbisyong Pangkliyente na kayo ay ililipat sa pinakaangkop na serbisyo.

 

Ang LawAccess NSW ay isang inisyatibo ng Attorney General’s Department of NSW, Legal Aid NSW, Law Society of NSW at NSW Bar Association.

 



Related Link:
LawAccess NSW Community Languages Factsheets
printer icon  Print this page


 Attorney General's Department of NSW

NSW Government
 

 
Be careful! The information on this site is not legal advice. If you have a legal problem you should talk to a lawyer before you decide what to do. The information on this site is only for people affected by the laws of NSW, Australia. For more information, click here.

LawAccess NSW is a New South Wales Government initiative.
NSW Attorney General's Department, NSW Legal Aid Commission, Law Society of NSW and NSW Bar Association.

Home | Lawzone | About us | Contact us | Our Partners | Lawtalks | About this site

DISCLAIMER | PRIVACY | COPYRIGHT | LAWLINK NSW | FEEDBACK
© Copyright NSW Attorney General's Department 2003
Date created: 16th Jan 2009 | Date modified: 16th Jan 2009